Dear Vanezza,
Itago n’yo na lang po ako sa alyas Beki, 20 years old. May mahal po akong lalaki ngunit ang masakit ay hindi na niya ako pinapansin. Kahit anong gawin ko hindi ko siya makalimutan. Ano po ang gagawin ko?
Dear Beki,
Lalo ka lang masasaktan kung hindi mo siya kakalimutan. ‘Wag mong sayangin ang pagmamahal mo sa kanya. Ituring mo na lang siyang isang magandang karanasan na magpapangiti sa’yo tuwing sasagi siya sa iyong isipan. Sadyang ganyan sa pag-ibig, may mga bagay na hindi puwedeng mapasaatin. Darating din ang panahon na makakatagpo ka ng taong magmamahal sa’yo at hindi lang ikaw ang nagmamahal. Sa halip na malungkot, ituon mo ang iyong pansin sa ibang bagay na magiging produktibo ka.
Sumasaiyo,
Vanezza