Mga ‘do’s’ and ‘dont’s’ sa pakikipag-sex (1)
Exciting ang mag-explore at maging adventurous sa sex ngunit minsan, maganda rin kung alam mo ang iyong ginagawa at hindi dapat gawin upang ma-enjoy ang pakikipag-sex.
Narito ang ilang tips para ma-enjoy ang sex.
1. Huwag magmadali. Mas ma-eenjoy ang inyong sexcapade kung ninanamnam ang bawat sandali at hindi magmamaadali.
2. Konting usap-konting Ingay. Nakakabingi minsan ang sobrang katahimikan. Bakit hindi subukang komplimentuhan ang partner o bigyan ng tip kung tama o mali ang kanyang ginagawa. Kung hindi mo masabi, kahit halinghing na lang o kung anumang ‘sound para malaman ng iyong partner kung tama o mali ang kanyang ginagawa.
3. Kung nag-e-enjoy, puwede pa ring gawin. Minsan kapag seryoso na ang relasyon o kapag kasal na, nag-aalangan na gawin ang mga dating ‘iniexperiment na sexual activity.’ Bakit hindi, kung nag-e-enjoy naman kayong gawin ito. Ituloy ang pagiging ‘kinky’, explorer o kung anuman ang inyong ‘kalokohan’ paminsan-minsan.
4. Kung may binabalak gawin, sabihin muna sa partner. Maaaring intimate na kayo sa isa ’t isa pero kung may naiisip kang gawin na ‘kakaiba,’ mas mabuting tanungin mo muna siya.
5. Over-active imagination. Bakit hindi ninyo pag-usapan ang iyong mga sexual fantasies. Makakatulong ito sa inyong sexual intimacy.
6. Gawin mo para gawin sa iyo. Kung ano ang iyong inaasahan mula sa partner mo, iyon din ang gawin mo sa kanya. Mahirap naman yung tanggap ka na lang ng tanggap tapos hindi ka naman ‘nagtatrabaho.’
- Latest