Mahal ba talaga?

Dear Vanezza,

I’m 2 yrs. older than my boyfriend. Totoo po kaya yung mga sinasabi niya na mahal na mahal niya ako? Kapag po magkasama kami o tumatawag siya lagi nya sinasabi yun. Two months pa lang po relationship namin. 2nd boyfriend ko po siya. Salamat po and more power! - Haney

Dear Haney,      

Hindi naman niya sasabihin yun kung hindi ito ang talagang nararamdaman niya, kaya wala kang dapat ipagduda. Sweet lang ang bf mo kaya wala siyang sawa sa pagsasabi na mahal ka niya. Anyway, 2 months pa lang ang relasyon ninyo at maaga pa para masabing ang pagmamahal na ito ay pangmatagalan. Bata pa naman kayo at ang nararamdaman ninyo ngayon ay maari pang magbago lalo’t may makikilala kayong iba. Kaya ‘wag bigay-todo sa pagmamahal dahil lahat ng sobra kung minsan ay masama.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

 

Show comments