Dear Vanezza,
Tawagin mo na lang akong Lynda, empleyada at may asawa na nasa abroad. Sampung taon na kaming kasal. Tuwing 2 taon lang kung umuwi siya. Dahil bihira kaming magkita, bilang na bilang ko rin kung ilang beses lang kami nagtalik, 10 beses lang. Iyan siguro ang dahilan kaya wala kaming anak. Tao lang po ako para maghanap ng pag-ibig. Pero nagpipigil ako dahil iniisip ko na ang ginagawa naman niya ay para sa aming kinabukasan. Kaya lang, sadyang maraming tukso sa aking paligid lalo na sa opisina na pinapasukan ko. Maraming nagpaparamdam sa akin lalo na alam nila wala dito ang mister ko. Natatakot ako dahil parang nahuhulog ang loob ko sa isa sa mga lalaking ito. Ano ang gagawin ko?
Dear Lynda,
Malungkot na katotohanan na dahil sa pagkakalayo ng mag-asawa ay marami nang pagsasama ang nawasak. Pero ikaw na rin ang nagsabi na para sa inyong kinabukasan ang ginagawa niya kaya mas dapat kang magpakaÂtatag laban sa tuksÂo. Dito masusubok ng iyong mister ang iyong katapatan. Subukan mo ring kumbinsihin ang iyong asawa na manatili na lang sa Pilipinas at dito magtrabaho. Kung may ipon na kayo ay puwede kayong magnegosÂyo. Mas mahalaga ang pag-iingat sa relasyon kaysa trabaho. Aanhin mo ang malaking kita kung mawawasak naman ang pamilya?
Sumasaiyo,
Vanezza