8. Gumising kung kinakailangan nang gumiÂsing kahit gusto pang matulog. Hindi ipinapayong magtutulog sa loob ng maghapon.
9. Matulog sa isang kumportableng posisyon, iwasang matulog nang nakadapa.
10. Iwasang gumamit ng matapang na kemikal upang maglinis ng silid.
11. Hangga’t maaari, huwag itabi ang mga alagang aso o pusa sa inyong kama.
12. Umiwas sa paglalagay ng maraming halaman sa loob ng iyong silid.
13. Matulog nang malinis ang mukha, walang natirang make-up o pabango sa katawan.
14. Iwasang matulog sa silid na bagong pintura.
15. Magpaaraw sa umaga pagkagising.
16. Huwag mahiga agad kapag nakaramdam nang pagkapagod. Hintayin ang talagang oras ng pagtulog at huwag magpapalit-palit ng oras sa pagtulog.
17. Magkaron ng regular na oras para sa pagkain, pagtulog, at paggising.
18.Umiwas din sa malabis na pagkain kapag malapit na ang oras sa pagtulog dahil inaabala nito ang pagbaba ng metabolismo sa iyong katawan.
Ang mga gabay sa pagtulog na nabanggit makakatulong upang mapabuti ang ating pagtulog upang magkaroon ng malusog at maayos na pamumuhay.