Dear Vanezza,
Tawagin mo na lang akong Pia, 23 years old at may kasintahan. Isa akong public school teacher dito sa probinsiya namin. Plano na naming lumagay sa tahimik ng bf ko. Ang problema ko ay ang aking ama. Ayaw niya sa nobyo ko dahil may gusto siya para sa akin. Gusto niyang pakasalan ko ang isang halos kasing tanda na niya pero mayaman. Kesyo giginhawa raw ako sa lalaking iyon na maraming palaisdaan at lupain sa probinsiya. Hindi ko maintindahan kung bakit ganun na lang ang pagpupumilit niyang pakaÂsalan ko ang lalaking ‘yun. nalaman ko na lang na may malaki siyang P100,000 pagkakautang sa matandang ‘yun. Tinapat ako ng tatay ko. Maawa raw ako sa kanya dahil buhay niya ang nakataya. Ano ang dapat kong gawin?
Dear Pia,
Hindi ka obligadong sumunod sa kapritso ng tatay mo. Ang magulang ay sinusunod lamang kung ang payo ay wasto. Pero kapag ang sarili mong kaligayahan ang nakataya, lalo pa’t pinipilit ka sa lalaking ayaw mo, malaya kang sumuway. Ipaunawa mo sa iyong ama na hindi ka paninda na inilalako. Isa kang tao at ang halaga mo’y hindi lang P100,000. Hindi tama na gawin kang pambayad utang. Siguro nama’y mauunawaan ka niya.
Sumasaiyo,
Vanezza