^

Para Malibang

Ayaw mag-ampon kaya nag-anak sa iba si mister

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Bong, 45 years old. Sa 10 years naming pagsasama ng misis ko ay hindi kami biniyayaan ng anak. Akala ko’y ako ang baog. Nang magpakonsulta kami sa doktor, ang misis ko pala ang may diperensiya. Matagal naming pinag-isipan kung kami’y mag-aampon na lang. Pero nagkaisa kami ng paniniwala na mahirap umampon dahil marami sa mga ampon ang nagiging rebelde sa bandang huli.  Inaruga mo na parang tunay na anak ay tutuklawin ka pa. Kaya isinantabi namin ang mag-ampon. Mayron kaming kasambahay. Bata pa, maganda pero may anak na sa dating ka-live-in. Naisip ng misis ko na bayaran namin siya para maging “baby maker”. Una’y ayaw ko dahil parang imoral. Nag-isip-isip ako at nakumbinsi. Nang kausapin namin ang aming maid, matagal bago siya pumayag. Sabi n’ya, ang P50,000 ay mala­king halaga para sa pamilya niya sa probinsiya na umaaruga sa kanyang anak. Sini­pingan ko ang aming maid sa panahong fertile siya. Isang buwan ang lumipas ay naglihi na siya. Sa October ay manganganak na siya at base sa ultrasound ay lalaki ang sanggol.  Ang problema ko, nararamdaman kong nadi-develop ang pag-ibig ko sa aming katulong. Hindi ko ito sinasabi sa misis ko. Nararamdaman ko rin na umiibig sa akin ang aming maid sa kanyang mga kilos at reaksiyon sa panahon ng aming pagtatalik. Naiiyak din siya dahil pagkatapos niyang manganak ay tapos na rin ang aming relasyon. Ano ang aking gagawin?

Dear Bong,

Mahirap ang pinasok ninyong mag-asawa. Sa hangad ninyong magkaroon ng anak ay sumubo kayo sa ganyang sitwasyon na madaling pasukan pero mahirap labasan. Tama ka, imoral ang ganyang arrangement. Pero naririyan na iyan. Nakabuo na kayo ng supling at hinihintay na lang ninyo ang pagsisilang ng inyong katulong. Anak mo siyang tunay pero hindi ng iyong tunay na asawa. Supilin mo ang iyong nararamdaman ngayon bago ito magliyab at maging malaking apoy. Kung maaari kapag nagsilang na ang inyong maid at nabayaran sa napagkasunduang halaga, paalisin na ninyo sa inyong tahanan at kumuha ng ibang katulong. Sa ganyang paraan ay maiiwasan ninyong mabuo ang isang relasyong makasisira sa pagsasama ninyong mag-asawa.

AMING

ANAK

ANO

BATA

DEAR BONG

DEAR VANEZZA

NANG

PERO

SA OCTOBER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with