“STOP it, Talipapa Queen! Huwag ka nang kumanta, plizz!†nanggagalaiting sigaw ni Oreo sa zombie. “Sagutin sabi ang tanong—may kaluluwa nga ba kayo o wala?â€
“Kaming…nasa…harap…mo…boss…Oreo…katawang…lupa…lamang…Lahat…ng…nabuhay…merong…kaluluwa…†napakabagal na sagot ng heneral ng kopong-kopong.
Naging makatuturan iyon kay Oreo. “Parang may katwiran ka, geÂneral. Pero may katwiran din si Dirty Politician. Kayong dalawang lalaking zombie, magkasalungat ng sagot.â€
Pero lito pa rin ang bakla. Alin ba ang totoo? Merong kaluluwa ang zombies o wala?
BRUGUDUUMM. Ingay iyon mula sa kalangitan, parang kulog na dumagundong.
Kinabahan si Oreo. Sa dilim ng gabi ay nabanaagan ang papalapit na mga aninong puti.
Napanganga siya nang makilala ang mga ito. “Oh m-my gulay!â€
Nasa harapan na niya ang kaluluwa ng mga zombie, titig na titig sa kanya. Tinugon pala ng Langit ang huling dasal ni Tiyo Berong.
Buo at maaamo ang anyo ng mga kaluluwa, pawang nakaputi. Magkatabi ang ispiritu nina Hollywood Actress at Talipapa Queen. Nasa isa pang hanay ang kalalakihang kaluluwa.
Ang magagandang zombie ay natitigilan, nasa likuran ni Oreo.
Ang soul ng heneral ang nagsalita. “Masyado nang nagamit sa kasamaan ang aming katawang mortal…dapat nang matigil ito…â€
Panay ang lunok ni Oreo, kilabot na kilabot. Paano ba siya aargumento sa puwersa ng kabutihan?
“Isuko mo na sila, Oreo, ibalik mo sa hukay, bayaang muling manahimik…â€
“And seek the Kingdom of the Lord,†dagdag naman ng kaluluwa ng Hollywood actress.
Sumilid sa isip ni Oreo ang scenario sa impiyerno. Eternal fire. Walang katapusang paglilitson sa kanya sa dagat-dagatang apoy.
Napahagulhol ang binabae. “Hu-Hu-hu-huuu. Huli na ang pagsisisi ko, walang kapatawaran ang mga pagpatay ko.†(ITUTULOY)