‘The beautiful ones’ (24)

HABANG ginugutay na ng mga zombie, nagawa pang magsalita ni Tiyo Berong. “Diyos ko…Iligtas Mo po… ang kaluluwa ni Oreo…”

“Whaaat?” Nanggilalas ang bakla. Hindi makapaniwalang siya pa ang inalala ng tiyu­hing mamamatay na!

Malupit ang magagandang zombies, walang awang kinakain ang matandang ga-hibla na lang ang layo sa kamatayan.

“Papuntahin…Mo na po ang…mga kaluluwa ng mga…zombie…para hindi na magamit…ni Oreo…sa kasamaan…”

“Anooo?  Naba­baliw ka, Tiyo Berong! Die!  Die, old bastard!”

Namatay na nga ang matanda. Parang inubos ng piranha, kalansay na lang ang nalabi.

“Mauna ka sa impiyerno. Sa walang katapusang apoy, tiyo!”

Napalunok si Oreo. Siya rin nga pala ay nakalaan na sa impiyerno, naalala niya.

Naalala rin ang kakaibang panalangin ng tiyuhin, bago ito tuluyang namatay. “…Iligtas Mo po… ang kaluluwa ni Oreo… Papuntahin…Mo po ang… mga kaluluwa ng mga…zombie…”

Napatingin sa magagandang alagad ni Oreo. “Narinig ninyo ang ulul kong step-father? Nakiusap sa Diyos na papuntahin dito ang inyo daw kaluluwa! Para raw matigil na ang pagpatay ninyo!

“Kailan naman kaya nagkaroon ng kaluluwa ang mga zombie, ha? E kaya nga kayo zombie, wala kayong kaluluwa—di ba, beautiful ones?”

“I…wanna…dance…all… night…” sabi ni Hollywood actress.

“Later, darling! Sagutin muna ang tanong—wala kayong kaluluwa or soul, right?”

Itinuro ni Oreo ang zombie ng dirty politician—sagutin daw ang tanong. Halatang nag­hagilap ito ng sagot.

“Bossing…ang…alam…ko…ang…corrupt…na…tulad…ko…walang…kaluluwa…”

“Ha-ha-ha-ha! Ang galing mo, dirty politician!”

Nagsalita ang reyna ng talipapa. Walang sense; walang saysay. “Tag-ulan…noon…bukid…ay…basa…”

Napamura si Oreo. “Hunghang! Moron! Tontang tanga!  (ITUTULOY)

Show comments