Pap Test? (1)
Ang pap test ay kadalasan mas kilala sa tawag na Pap smear test. Para saan ba ito? Mahalaga ang regular na pagpapasailalim ng mga kababaihan sa ganitong uri ng test kasama ang pelvic exam para maagapan ang posibleng iregularidad na maaaring magbago sa mga cells na nasa kanilang cervix o ang bukana ng matres, na nasa gawing itaas ng vagina.
May dalawang pangunahing dahilan kung kaya inirerekomenda ang regular na pagpapa-pap test. Una, para agad na makita ang presensiya ng anumang infectious cells, pamamaga o anumang abnormalidad na nangyayari sa cell na kadalasang humahantong sa seryosong kondisyon ng kalusugan, gaya ng pagkakaroon ng cancer. Kaugnay sa sakit na ito ang pangalawang dahilan, para ma-detect agad ang maaaÂring cancer case na kahahantungan. Ayon sa mga expert, sa maraming uri ng cancer na natutuklasan, pinaka-karaniwan ang cervical cancer. Ipinaliliwanag din na nasa maagang deteksiyon ng kondisyon ang pag-asang malampasan ang peligrosong sakit. Kabilang pa sa maaaring makita sa pagpapa-pap test ay ang iba pang cervical at vaginal abnormalities gaya ng dysplasia (pre-cancerous cells) at ang pagkakaroon ng pamamaga, na maaaring dulot ng yeast infections, trichomoniasis infections, bacteria, viruses, mga iniinom na gamot o ginamit na chemicals, kaugnay sa iyong hormes, pagbubuntis o kaya’y miscarriage o pagpapalag ng fetus. Ang ilan pang rekomendasyon kaugnay sa pap test at pelvic exaÂmination, mula sa National Cancer Institute at iba’t ibang institusyon sa maraming bansa sa mundo ay ang mga sumusunod: (ITUTULOY)
- Latest