Matutupad ba ang Wish o Hindi? (2)
Umusal ng panalangin bago magsindi ng kandila. Usalin mo ang iyong kahilingan upang ipaalam mo sa universe kung ano ang iyong pakay sa pagsisindi ng kandila. Obserbahan ang kilos ng apoy at usok ng kandila. Narito ang karugtong kahapon:
Maliit ang apoy—mabagal ang pag-aalis ng mga hadlang kaya matatagalang makuha ang kahilingan.
Kung ang direksiyon ng usok ay sa kanan mo, kailangang gamitin ang common sense para makuha ang inaasam.
Kung ang direksiyon ay pakaliwa, hindi ka masyadong naniniwala na makakamtan mo ang iyong wish. Kung may pagdududa, para mo na rin sinasabotahe ang iyong sariling panalangin.
Kung palayo sa iyo, kailangan ang tiyaga para makamtan ang wish.
Kung may maririnig na tila mantikang nagpipitikan sa mitsa ng kandila, may isang mabuting espiritu (puwedeng ang santong hinihingan mo ng tulong) na nag-aapela sa Diyos na ipagkaloob na ang kahilingan mo.
- Latest