Matutupad ba ang Wish o Hindi?

Ganito ang paraan upang malaman: Umusal ng panalangin bago magsindi ng kandila. Usalin mo ang iyong kahilingan upang ipaalam mo sa universe kung ano ang iyong pakay sa pagsisindi ng kandila. Obserbahan ang kilos ng apoy at usok ng kandila. Narito ang mga ibig sabihin:

Kung sa umpisa pa lang ng pagsisindi ng kandila ay itim na usok ang lumalabas—nagsisimula nang maalis ang mga hadlang upang matupad ang iyong kahilingan.

Kung puti ang usok—may mararanasan pang hadlang bago makamtan ang kahilingan.

Malaki ang apoy sa umpisa pa lang—Malaki ang posibilidad na makamtan kaagad ang kahilingan.

Kung ang usok patungo sa kinaroroonan mo, narinig kaagad ng langit ang panalangin mo. (Itutuloy)

Show comments