NAPATANGA kay Oreo ang katabing zombie na politician noong araw. “Magtatalumpati…ako…ngayon?â€
“Correct, zombie! Sariwain mo ang glory days mo.†Handa nang patakbuhin ni Oreo ang van, palayo sa sumabog na SUV ng mga dalaga.
“Parang…nalimutan…ko…nang…magtalumpati…Sir…Oreo…â€
Umiling ang bakla. “Basta magtalumpati ka. Political butterfly ka noong kapanahunan mo, congressman. You were so young and so corrupt, sabi ng isang kritiko. Nagbasa ako ng history circa 1950s, kaya alam ko.â€
Unti-unti nang umusad ang sasakyan, pabilis nang pabilis.
Nagsimula nang magtalumpati ang zombie na dirty politician. “Mga… kababayan… ng… republikang …Tagalog…makinig…â€
May nahagip ng tingin sa rear view mirror ng sasakyan si Oreo. “Teka, congressman, tigil muna ang talumpati! May humahabol!â€
SCREECCH. Nagpreno agad.
Napalingon pati ang mga zombie, tiningnan kung sino o ano ang humahabol daw.
Napaluha sa galak ang bakla.â€My very precious alagad! Buhay siya!â€
Si Hollywood actress ang tinutukoy ni Oreo. Ang magandang zombie ay iika-ika, bali ang leeg, nabaluktot ang mga paa, pero nakakalakad pa.
“Oh my gray shoes! Masyado siyang napinsala! But she’s very courageous! Lumalaban sa kabila ng kapansanan!â€
Palapit na si Hollywood actress, basag ang noo pero maganda pa rin, kumikinang sa liwanag ng buwan ang kulay-mais na lugay na buhok.
Pumapalakpak na sumalubong si Oreo. KLAP-KLAP-KLAP.
At naghaleluya sa paboritong zombie, may flying kiss pa. “Viva, Hollywood actress ko! You are da greatest! Mwah!â€
Gayunma’y hindi yumakap si Oreo; nanaig ang pandidiri sa amoy ng zombie; nagsisimula nang umalingasaw sa lansa ang Hollywood actress, gaya rin ng mga living dead na nasa family van. “Bibili tayo ng maraming deodorant, mga alagad! Ako ang bahala!†Kasakay na nilang muli ang Hollywood actress.
Tuluyan nang pinaharurot ni Oreo ang sasakyan. BROOOM.
Nagpatuloy ang talumpati ng dirty politician. “Sa…halalan…iisa…ang…dapat…iboto…Ako…ako…ako.†(ITUTULOY)