“SERYOSONG usapan, Oreo. Bubuhayin ko ang tinatawag mong the Beautiful Ones. Ikaw ang kikilalanin nilang dukesa…â€
“Empress, hindi dukesa, Satanini. I will be known as Empress Orea?â€
“Orea? Hindi na Oreo?†pagklaro ng devil.
“Tama. MagpaÂpaÂkaÂbabae na ako, kaya Empress. Maghahasik ako ng lagim sa mga taong may atraso sa akin—laluna si Tiyo Berong ko!â€
“Nasa bukid ang Tiyo Berong mo, naghirap nang husto. Patanim-tanim na lang ng palay…â€
Nagningning ang mga mata ni Oreo. “Great! Sa bukid siya malilibing nang buhay. Sa tulong ng the beautiful ones.â€
“Pero may deÂtalyeng dapat mong maintindihan, bakling. Kapag namatay ka, sa anumang paraan, kahit wala pang 20 years na kasunduan natin—akin na ang kaluluwa mo!â€
Napanganga si Oreo.â€Anooo? That is unfair! Dalawampung taon ang kontrata natin, Sataning!â€
Umiling ang demonyo. “Mali ka, Oreo! 20 years nga ang usapan—kung aabot ka ng 20 years. Pero kung tinapos na agad ng Lord mo ang buhay mo, aba, mapapaaga ang pag-ani ko sa kaluluwa mong maitim.â€
Nagtaka ang bakla. “Hindi mo kayang i-prevent ang kamatayan ko sa susunod na dalawampung taon?â€
Umiling ang may tatlong sungay. “Teritoryo nga ng iyong Diyos ang pagkuha sa buhay ng mga buhay. No touch ako diyan, kumare.â€
Napalunok si Oreo. Kapag pala nadulas siya’t natigok, o kaya’y nabulunan ng pansit at natepok—yari agad sa demonyo ang kanyang kaluluwa!
“That is so un-cool. I protest, devil!â€
“Doon ka magprotesta sa inyong Diyos,†inis nang salag nito.
Napabuntunghininga ang bakla. “Wala akong mukhang humarap sa Kanya. Tinalikuran ko Siya, sa iyo ako sumanib.â€
“Kung gayo’y tuloy ang deal natin. Darating dito sa bahay mo ang The Beautiful Ones, ikaw ang kikilalaning amo.â€
NANG hatinggabing iyon din, dumating nga ang mga nabuhay na bangkay. Hindi naaagnas, pagkagaganda, pagkaguguwapo.
“Welcome to my empire! Ha-ha-ha-haa!†Tuwang-tuwa si Oreo alyas Empess Orea. (ITUTULOY)