^

Para Malibang

Halaga ng takip sa tubigan at basurahan: Cover for your health!

HEALTH CORNER - JC - Pang-masa

Last Part

Karaniwan din ang mga banayad na sintomas, kasama na ang paglalagnat, pananakit ng ulo at katawan, pagkahilo at pagsusuka. Ang mga hindi karaniwang sintomas naman ay ang pamamaga ng lymph glands, pagkakaroon ng skin rashes sa dibdib, sikmura at likuran. Sa mga obserbasyon, tatagal ang mga ito ng ilang araw, pero may mga masasabing malulusog ang pangangatawan pero nagkakasakit ng ilang linggo. 

Gayunman, may ilan pang kaso kung saan kadalasan ay walang mapapansing sintomas. Sa mga tala, tinatayang 80 porsiyento ng mga taong apektado ng impeksiyon dulot ng WNV ay sinasabing hindi kakikitaan ng mga sintomas.  

Mga ibon- Ayon sa mga expert, ang mga patay na ibon ay maaaring indikasyon ng outbreak ng WNV o iba pang virus at bacterial infection. Nangyayari ito kapag ang namatay na ibon o kaya’y daga ay kinagat ng lamok, carrier na ito ng virus o bacterial infection. Sa sitwasyong gaya nito, ipinapayo na sa sandaling makakita ng mga patay na ibon o  anumang nabubulok na hayop ay huwag hawakan at ipaalam sa inyong local health department para sa kaukulang pagdi-dispose nito o kung kinakailangan na pagsusuri.

Paglalagay ng takip sa inyong tubigan at basurahan- ang pagpapanatiling may takip ng mga ito ay public concern. Kaya dapat magkaroon ng pagtutulungan ang bawat mamamayan. Dahil sa pamamagitan ng simpleng disiplinang ito ay mapapababa ang panganib ng pagkalat ng sakit.

Iba pang mapanganib na sakit na maaaring makuha kung hindi tatakpan ang inyong tubigan o basurahan- Lyme Disease, Scrub Typhus, Rickettsialpox, Relapsing Fever, Western Equine Encephalitis; ang lahat ng ito ay maaaring makapagdulot ng bacterial o viral infection. Pawang naililipat ang bawat nabanggit na sakit sa pamamagitan ng mga hayop na nangangagat, gaya ng mga daga, rabbit at iba pa na mahilig sa basura at maruruming tubig. Maaaring naiinom nila ang natenggang maruming tubig at ang impeksiyon ay naipapasa sa sandaling makagat sila ang garapa, lamok, maliliit na insekto na gumagapang o lumilipad, na may pagkakataon naman para magkakaroon ng contact sa dumi, dugo, katawan o sa ihi ng tao.

 

 

AYON

DAHIL

GAYUNMAN

LAST PART

LYME DISEASE

RELAPSING FEVER

SCRUB TYPHUS

WESTERN EQUINE ENCEPHALITIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with