Ito ay ikaapat na bahagi ng paksa kung paano mo malalaman na ang iyong karelasyon ay isang Narcissist.
Maraming kababaihan, kasama na ang letter sender na si Mylene ang napakahirap na kumawala sa isang Narcissist partner. Kagaya ng mga nabanggit sa unang artikulo ang isang taong nagtataglay ng Narcissistic Personality Disorder, isang uri ng sakit sa isip, ay maituturing na charming, romantiko at “irresistible†kaya naman napakadaling ma-in-love sa kanila. Dahil ginagawa nila ang lahat ng ito para makuha ang babaeng nais nilang biktimahin. Nahihirapan makawala ang isang biktima ng Narcissistic relationship kung hindi niya alam ang gawain at istratehiya ng isang Narcissist. Ngunit kung malalaman mo ang lahat ng ito, mas madali mong matatanggap na walang patutunguhan ang relasyong pinasok mo kasama ang taong ito. Ang umpisa ng pakikipagrelasyon sa isang Narcissist ay tila nakasakay ka sa isang gas balloon na lumilipad ng pagkataas-taas. Para kang addict na high sa droga na ang tanging nakikita ay makukulay na bagay sa kapaligiran. Ngunit mabibigla ka na lang isang araw na nakasadsad na pala sa lupa ang inyong relasyon at nasa isang tabi ka na lang at umiiyak dahil sa nararanasan mong kalituhan sa iyong isip, mga tanong na hinahanapan mo ng kasagutan kung bakit pumangit ang dating masaya at makulay ninyong relasyon. Minsan, sasagi pa sa iyong isip ang pagsisisi at masasabi mong “Sana ay binigyan ko pa siya ng spaceâ€, “Siguro nga tama siya, ako ang maliâ€, “Siguro nga nasasakal ko na siyaâ€. Kung ganito ang sinasabi ng iyong kalooban, walang duda na ikaw ay 100% biktima ng isang Narcissistic relationship. Kahit sino ay hindi magnanais na makaranas ng pang-aabusong emosyonal, dahil maaari kang mabaliw o magkaroon ng depresyon kung palagi kang makakaranas nito. Tanging ang pagtanggap sa katotohanan na walang kapasidad na magmahal ng tunay ang isang Narcissist ang magiging susi mo sa iyong puso para makalayo ka ng tuluyan sa kanya. (Itutuloy)