Cover for your health (1)
Laganap naipapasa ang mosquito-borne diseases gaya ng West Nile virus, samahan pa ng pabagu-bago at ngayo’y madalas na pag-ulan na nagdudulot para dumami at manalasa ng matagal sa ating kapaligiran ang mga lamok at mga langaw, kaugnay dito ang mga dumaraming ulat tungkol sa mosquito at insect-borne illnesses. Kadalasan, ang impeksiyon dulot ng bacteria at mga viruses ay naikakalat sa pamamagitan ng prosesong ito. At ang paglalagay ng takip sa inyong tubigan at basuhan ay nakakatulong para mapababa ang panganib na hatid nito.
Tumagal ng tubig- Karaniwang dito nagpaparami ang mga lamok. Ang tumagal ng tubig ang nagsisilbing pinakamalaking breeding ground para sa mga ito. Sa gamutan ng sakit na malaria, ang paglilinis ng tubig na ito ang karaniwang tinututukan bilang pangunahing hakbang laban sa nasabing karamdaman. Dahil ang mga mosquito-borne diseases ay nagkakaroon ng malaking pagkakataon na dumami kung mananatili ang nakatenggang tubig, na kabilang sa breeding site ng mga lamok. Kadalasan nagkakaroon din ng tumining nang tubig, natirang likido at deposito nito sa mga basurahan.
West Nile Virus- Ayon sa mga health care expert, kadalasan ang mga seryosong mga sintomas ay maoobserbahan lamang sa iilan. Halimbawa sa naitalang 150 na kaso kaugnay sa impeksiyong dulot ng WNV, isa lamang ang sinasabing may posibilidad na mag-develop ng malubha. Kabilang sa mga malubhang sintomas ay ang mataas na lagnat, pananakit ng ulo, neck stiffness, stupor o kawalang-malay, coma, tremor, pagkukumbulsiyon, paghina ng mga kalamnan, pagkawala ng paningin, pagkamanhid at pagiging paralitiko. (Itutuloy)
- Latest