^

Para Malibang

Isa ka bang ‘Narcissist’?(2)

Pang-masa

Ito ay karugtong ng paksa hinggil sa problema ng isang letter sender na itinago sa pangalang  Mylene, kung saan bigla na lang siyang iniwan ng kanyang bf sa kabila ng nakatakda na nilang kasal. Nabalitaan na lang niya na kabi-kabila ang babae ng kanyang bf. Posible kayang isang Narcissist ang kanyang bf? Narito ang ilang palatandaan na ang iyong karelasyon ay nagtataglay ng Narcissistic Personality Disorder, isang sakit sa pag-iisip at nakasentro lang ang kanyang atensiyon sa kanyang sarili at sa anumang bagay na makukuha niya sa kanyang kapwa, partikular na ang atensiyon at pagmamahal.

Sinasamantala niya ang kabaitan ng iba para makuha ang anumang bagay o damdamin para sa kanyang sariling kapakanan o kasiyahan.

Umaasa palaging bibigyan siya ng espesyal na pagtrato at gagawing “superior” sa inyong relasyon kahit pa wala naman siyang ginawang “effort”.

Umaasa na palaging bibigyan ng walang humpay na atensiyon, paghanga at pagbibigay sa kanya ng mga bagay na kanyang nais

Naiinggit sa iba, ngunit pakiramdam niya ay siya ang kinaiingitan ng kanyang kapwa.

Kulang sa pagpapakita ng pagmamahal sa kanyang partner.

Sa pag-aaral, lumalabas na 75% ng may taglay na NPD ay mga lalaki. Ngunit sa totoo lang, hindi madaling madetermina kung ang iyong asawa/bf o idine-date pa lang na lalaki ay isang Narcissist dahil sa totoo lang, maitutu­ring na magaling na actor ang ganitong uri ng lalaki. Sa umpisa ng kanyang panliligaw ay todo ang panunuyong gagawin nito sa babae. Itatrato ka niya na tila isa kang reyna at ang anumang tapakan mo ay halos hagkan niya. Ang  Narcissist ay charming, romantiko at halos lahat ng hinahanap mo sa isang lalaki ay masasabi mong nasa kanya na. Flawless ika nga, para lamang makuha niya ang babaeng kanyang gustong biktimahin sa pamamagitan ng pagpapa-ibig dito.  Ang isang Narcissist ay mahilig sa “adventure” at “challenge”, lahat ng nalalaman niya para ma-in-love sa kanya ang babae ay kanyang gagawin, ipapakita niya sa’yo na siya ang iyong hinahanap na “prince”, ngunit sa totoo lang kapag naalis na ang kanyang mascara ay isa pala siyang “frog”. Bakit? Matapos ka kasing “bumigay” sa kanyang panunuyo ay bigla na lang siyang magpapakita ng panlalamig, paglayo sa’yo, emosyonal man o pisikal. Bakit uli? Kasi “game over” na ang paglalaro sa’yo dahil nanalo na siya. Ibig sabihin, wala ng “challenge”. (Itutuloy)

BAKIT

IBIG

ISANG

ITATRATO

KANYANG

LANG

NARCISSISTIC PERSONALITY DISORDER

NIYA

UMAASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with