^

Para Malibang

Isa ka bang ‘Narcissist’? (1)

Pang-masa

May mga relasyon na nagtatagal, mayroon din naman na panandalian lang. Maraming nagtatanong bakit nagkakaroon ng panandaliang relas­yon lang. Kagaya ng naging problema ni Mylene, 32, pinangakuan na siyang pakakasalan ng kanyang bf, ngunit bigla na lang itong nabago sa isang iglap. Dahil sa pagkakaroon ng sanga-sangang relasyon ng kanyang bf at ito ay huli na ng kanyang madiskubre. Bakit nga ba may mga lalaking hindi kayang makuntento sa isa? May isang kaibigan si Mylene na nagsabi na ang kanyang bf ay isang narcissistic. Paano mo nga ba malalaman na ang lalaking iyong dine-date o karelasyon na ng matagal ay isang narcissistic pala? Ano ba ang ibig sabihin ng Narcissistic Personality Disorder (NPD)?  Ito ay isang mental disorder o sakit sa utak kung saan nakatuon ang pag-iisip ng isang tao sa kanyang sarili, kung paano magkakaroon ng kapangyarihan, maging sikat at maging popular. Ang narcissist  ay mula sa salitang “narcissism”  na ang ibig sabihiin ay makasarili. Kinuha ito sa pangalan ng isang diyus-diyosan ng mga Greeks na si Narcissus na na-in-love sa kanyang sarili ng makita niya ang kanyang repleksiyon sa tubig. Hindi niya alam na ang kanyang nakita sa tubig ay ang kanyang sarili, kaya ng mapagtanto ito ay namatay dahil sa labis na pagkalungkot.

Hindi madaling malaman ang isang taong nagtataglay ng NPD dahil sa magaling silang magdala ng isang relasyon sa umpisa.  Ang isang narcissist ay kayang ipadama sa’yo na tila isa kang reyna at prinsesa, ibibigay niya sa’yo lahat ng atensiyon at oras na nais mo para mapaniwala ka niya kung gaano ka kaimportante sa kanilang buhay.  Ginagawa rin ito ng isang narcissist dahil nais niya rin maramdaman na siya ay hinahangaan at minamahal ng isang tao. Ang tawag dito ay “Narcissistic Supply”.  Hindi kasi mabubuhay ang isang narcissist na walang nagpapakain sa kayang ego. Ang emosyong ito ng isang narcissist ay mapanganib dahil alam niya man o hindi ay mayroon siyang inferiority dahil sa kulang ng pagmamahal na kanyang natatanggap sa mga taong tunay na nakapaligid sa kanya. Anu-ano nga ba ang sintomas na makikita na ang iyong partner ay isang narcissist? Narito ang ilang paraan: (Itutuloy)

 

ANO

ANU

BAKIT

ISANG

KANYANG

MYLENE

NARCISSISTIC PERSONALITY DISORDER

NARCISSISTIC SUPPLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with