Nagsisisi sa pagsuway sa magulang

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Mitch, 23 years old at may asawa. I’m 17 nang mag-asawa. Nakipagtanan ako sa aking bf. Sinuway ko ang gusto ng aking mga magulang at ngayon ay nagsisisi ako. Ka-age ko rin ang naging asawa ko at ngayon ay may kinalolokohan na siyang iba. Isang Nursing student ang gf niya at ito’y nalaman ko sa isang friend na kakilala ang babaeng ito. Kaya pinakialaman ko ang cell phone niya at nabasa ko ang text ng babae. Dito ko nakumpirma na totoo. madalas pala silang magkita. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Gusto kong kumonsulta sa aking mga magulang pero hindi ko magawa dahil sinabihan nila ako noon na huwag nang magpapakita pa sa kanila. Nagsisisi na ako sa ginawa kong pagsuway sa mga magulang ko. Buti na lang at wala kaming anak dahil mas malaking problema ang kanyang pagtataksil kung may anak kami. Ano po kaya ang gagawin ko?

Dear Mitch,

Sa yugtong iyan ng iyong buhay, talagang wala kang madudulugan kundi ang iyong mga magulang. Maaaring nasabi nila noon na huwag ka ng magpapakita sa kanila pero iyan ay bugso lamang ng kanilang galit sa iyo dahil sa pagtatanang ginawa mo. Ngunit ang magulang ay magulang na ang damdamin ay nababagabag kapag nakikitang may mabigat na problema ang anak. Huwag ka nang magdalawang-isip. Puntahan mo ang iyong mga magulang at sa kanila mo iiyak ang iyong problema.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments