Alam n’yo ba na mayroong mga malalaÂking waterfalls o talon sa ilalim ng karagatan? Ang pinakamalaking waterfalls sa ilalim ng karagatan ay nasa pagitan ng Greenland at Iceland. Ito ay may taas na 11,500 talampakan kung saan tatlong beses ang taas nito sa mga waterfalls na nasa lupa. Ang pinakamalakas na pagsabog ng bulkan ay naganap noong July 1883 matapos na sumabog ang isang bulkan sa Indian Ocean island of Krakatau. Umabot ang tunog ng pagsabog sa Madagascar kung saan ito ay may layong 3,000 milya dito. Tumaas ng 25 milya ang ash clouds nito. Lumikha rin ito ng mga higanteng tsunami na may taas na 175 talampakan at may bilis na 400 miles kada oras, kaya naman 300 bayan ang winasak nito. Ang lugar na may pinakamadaming pag-ulan na nararanasan ay sa Mount Wai’ale’ale sa Kauai, Hawaii, kung saan 350-araw umuulan dito. Habang ang Arica, Chile naman ang lugar na tila isinumpa dahil hindi nadiligan ng ulan mula Oktubre 1903 hanggang Enero 1918. Ibig sabihin 14-taon na walang ulan sa lugar na ito.