WALA sa kamalayan ni Clarissa na siya, ang kanyang multo, ay napadpad sa Amerika, sa Chicago noong 1930s. Sa labas ng train station doon, may nakatabi siyang may-edad na lalaking Pilipino-- sa park bench.
Kinabahan si Clarissa dahil pamilyar sa kanya ang mga mata nito.
Walang nakakakita kay Clarissa, may kausap na tatlong lahing puti ang Pilipino.
Dinig ni Clarissa ang usapan ng apat na mortal.
“This will be my last participation, guys. I don’t want to die here.â€
“But dying in Chicago is fashionable, Ray.â€
Nasagap ni Clarissa ang ngalan ng Pilipino. Ray.
Napalunok si Clarissa. Kinabahan. Ang Ray ba ay palayaw ng Raymundo, tanong niya sa sarili. Noong nasa Europa pa siya, nakapag-aral siya ng Ingles kaya naiintindihan ang usapan ng apat.
“You have a family in The Philippines, Ray?â€
“Yeah. Got grown up kids, too. Raymundo Jr, my eldest, is 43.â€
Kinilabutan si Clarissa. Siya ba ay nagkamali lamang ng dinig?
O baka naman binibiro na ng tadhana? Puwede ba namang lagi siyang nakakatagpo ng taong kapangalan ni Raymundo?
“I missed my wife in Manila?†sabi ng Pilipino.
“Is she your one and only love, Ray?â€
Umiling ang Pilipino. “No, my true love died too early, during the mid-1890s. Spanish era in our country.â€
“You were not able to marry her?â€
Umiling ang Pilipino, bumalatay ang lungkot sa mukha.
“I promised to love her until eternity, Joe.â€
“Ha-ha-ha! You are too sentimental, Ray.â€
Nakatitig na si Clarissa sa mukha ng Pilipino. Hindi makapaniwala.
Wala nang duda kung sino ang Pilipinong ito, alam na ni Clarissa.
May nasulyapan si Clarissa sa kamao ng Pilipino. Tattoo na kila lang-kilala niya. Pangalan Niya: CLARISSA.
Natagpuan na niya si Raymundo. Nabuhay pala ito nang matagal.
Luha nang luha si Clarissa, Mahal na mahal pa rin niya si Raymundo kahit may-edad na ito. (ITUTULOY)