‘The lonely ghost (15)’
“PAALAM, Raymundo IV. Hahanapin ko sa aming panahon ang iyong Lelong Raymundo, kung siya nga ang kanunununuan mo.†Sa sarili lang ito sinabi ni Clarissa, sa isip lamang.
Sumanib na sa hangin ang malungkot na multo ng dalaga. mamamaalam na sa Dekada ‘70.
Sa taas na malapit na sa ulap, nakita niya sa gilid ng Ilog-Pasig ang pahabang bahagi ng isang magandang gusali.
Walang ideya si Clarissa na ito ang Palasyo ng Malakanyang. Na doon nakatira noon bilang Pangulo ng bansa na si Ferdinand Marcos.
Mayamaya ay nasa tapat na siya ng karagatan ng lunsod, na hindi niya alam ay ang pamoso nang Manila Bay.
Kaydaming mumunting bangka at malalaking bapor doon. Merong pier sa gawing kanan; ito ang North Harbor.
Nagpatuloy sa paglalakbay ang multo ni ClaÂrissa. Determinado siyang makabalik na sa pinagmulang panahon.
Ang problem nga niya ay…paano ang tamang pagbalik? Sabi lang niya sa dalawang ghost chasers ng 2013—sina Jake at Menchu—na kaya niyang bumalik sa sakto niyang panahon.
WOOIINNGGG. Tunog ito na nagpayanig kay Clarissa. Hindi niya malaman kung saan nagmumula.
Napaigtad siya nang matukoy ang pinagmulan ng nakabibinging ingay sa himpapawid.
Eroplanong dambuhala, super-bilis na palapit. Isang Boeing 747.
Blapp. Nahagip nito ang malungkot na multo ni Clarissa.
Sa himpapawid din nakabawi ng hinahon si Clarissa. “B-buo pa rin ako. Hindi ako nagkalasug-lasog.â€
Natanaw niyang milya-milya na ang layo ng dambuhalang sasakyan. Napailing siya, napabuntunghininga. Namamangha siya sa narating na future, sa kinaroroonang hinahanap. Sa kanilang panahon sa 1890s, isang malaking pantasya ang kanyang naranasan. Sumigaw na siya sa langit, nagpapasaklolo. “DIYOS KO, IBALIK MO NA PO AKO SA AMING KAPANAHUNAN! DOON PO SA DEKADANG BUHAY PA SI RAYMUNDO! (Itutuloy)
- Latest