Kumot at Pintura sa Bedroom

Kulay ng pintura

Pinturahan ang bedroom ng light green na may small accent ng red. Ang epekto ng green color ay kapayapaan ng kalooban, pag-asa at masiglang kaisipan. Huwag gagamit ng chocolate brown dahil lalo itong nakakabigat ng pakiramdam. Gumamit ng kaunting kulay pula dahil nakakatulong din ito sa pagpapasigla ng katawan at kalooban ngunit ang sobra ay makapagdudulot ng init ng ulo.

Gagamiting Kumot

Ayaw ng mga Chinese na gumamit ng pu­ting kumot dahil kadalasan ay ito ang ipinambabalot sa bangkay. Okey lang ang puting kumot na may design o combination na masasa­yang kulay. Ang pulang kumot ay mainam na gamitin ng naghahanap ng mapapangasawa at bagong kasal na nasa honeymoon stage.

 

Show comments