Alam n’yo ba na lima hanggang anim na bilyong condom ang nabebenta kada taon sa buong mundo? Noong World War II ginagamit ng mga sundalo ang condom bilang pantakip sa butas ng kanilang baril para hindi mapasukan ng tubig o buhangin ang kanilang baril at hindi ito masira. Noong 1000 B.C. ang condom at gawa mula sa bituka ng hayop at hindi ito disposable o isang gamitan lamang gaya ngayon. Ibinababad nila ang condom na ito sa gatas o anumang likido na maaaring mapanatili ang madulas na balat nito. Sa Thailand, ang pagnanakaw ng condom ay isang crimen at may katapat na kaparusahan. May isang dayuhan dito na bumili ng condom at dahil sa sobrang kasabikan niya na makipag-sex ay hindi niya sinasadyang hindi mabayaran ang condom na kanyang binili. Dahil dito, binugbog siya ng mga local na opsiyal dito at agad na ipinasok sa kulungan.