Overactive Bladder - Ang aktibong bladder ay maaaring maging sanhi ng madalas na pag-ihi sa gabi. Nangyayari ito kapag ang muscle sa paligid ng bladder ay nagkakaroon ng involuntary contraction. Kapag may overactive bladder, mahirap pigilan kapag naiihi at laging naiihi.
Diabetes - Posibleng ang dahilan kaya di makatulog sa gabi ay dahil sa diabetes. Ang type 1 and type 2 diabetes ay maaaring maging sanhi ng madalas na pag-ihi sa gabi. Ang diabetes ay isang medical condition na nagiging sanhi ng madalas na pag-ihi dahil inilalabas ng katawan ang hindi nagamit na glucose. Ang iba pang sintomas ng diabetes ay ang hindi mapaliwanag na pagbaba ng timbang, laging uhaw at laging gutom.
Interstitial Cystitis - Ang interstitial cystitis ay maaaring maging sanhi ng madalas na pag-ihi sa gabi. Ang kondisyon na ito ay tinatawag na chronic bladder wall infection na dahilan kaya laging naiihi. Makakaramdam din ng pananakit ng pelvic, masakit na sexual intercourse at di komportable sa pag-ihi.
Buntis - Sa kaagahan ng pagbubuntis, laging naiihi sa gabi dahil sa pagtaas ng progesterone levels.
Mga gamot? May mga gamot na makakaapekto ng bladder kaya madalas na maiihi tulad ng diureÂtics at gamot sa sipon.