Pagkalkula ng taba, paano ginagawa?

Last Part

Pa’no nasusukat ang body fat?

May tinatawag na clinical measurement. Pinaniniwalaang highly accurate ito pero kailangang paglaanan ng iyong bulsa. Kaya naman hindi ito praktikal na paraan para sa marami.

Masasabing alternatibo dito ang paggamit ng skinfold calipers, na abot-kaya na ay madali pa ang pagsasagawa. Dahil sa paggamit ng pares ng caliper ay masusukat mo na ang taba sa ilalim ng iyong balat, sa iba’t ibang bahagi ng iyong katawan. Karaniwan sa triceps, biceps, shoulder blades at waist.

Sa pagsukat, maingat na inaangat ang balat sa pamamagitan ng bahagyang pagbatak dito gamit ng iyong daliri (parang kinukurot ang sarili pero sa kontroladong puwersa). Nasa vertical direction ang calipers.

Ang mas mataas na bilang sa pagsukat ay katumbas ng mas maraming taba sa ilalim ng iyong balat. Sa sandaling makuha ang mga sukat ay ina-add ito. Malalaman ang percentage sa pamamagitan ng pagtingin sa chart.

Isa pang paraan ng pagkuha ng body fat ay ang paggamit ng weighing scales, na sinasabing pinakauna at malawakang ginagamit sa pagkuha ng body fat. Sa makabagong panahon natin ngayon, may mga weighing scale na makikita mo agad ang body fat percentage. Ayon sa mga expert, sa paggamit nito, kinakailangan mapadaan ang current sa katawan para mabasa nang accurate. Mapapansin na may metal strips sa magkabilang paa ang taong dadaan sa ganitong uri ng panukat ng body fat.

Ipinapaliwanag ng mga expert na kahit ano pa ang pamamaraan ang gagamitin sa pagsusukat ng body, ang mahalaga umano ay maging consistent sa method na mapipili.

 

Show comments