‘Haunted hospital’ (21)
TUWANG-TUWA si Dr. Robles sa positibong sagot ng multo. “Puwede ko bang panghawakan ang pangako mong pagtulong during emergencies dito sa Hope, Dr. Medina?â€
“Opo, maaasahan n’yo po, †sagot ng multo, walang hesitasyon.
“God bless your good ghost, Dr. Medina. Natitiyak kong mabibiyayaan natin ng tulong ang mga dukhang nanganganib mamatay. Titiisin nila ang takot sa kababalaghan, maniwala ka.â€
“Pipilitin ko pong huwag manakot. Anyway, ‘yung mga piling tao lamang ang may kakayaÂhang makita ako, Dr.Robles.â€
“Si Nurse Olga at ako’y nakikita ka, paanong nangyari ‘yon?â€
“Si Nurse Olga po ay merong likas na kakayahang makakita ng mga multo o ispiritu. Kayo naman po, Dr. Robles, nakita n’yo ako dahil…nagbukas kayo ng channel o daluyan.â€
“Gano’n?â€
“Opo. Meron pala tayong minor problem, Dr. Robles. Habang dadalawa ang nars dito sa Hope, dapat na pati si Nurse Armida ay magbukas ng channel—para puwede siyang tumulong sa akin kung hindi available si Nurse Olga,†mahinahong paliwanag ng mabuting multo.
Tumangu-tango ang matandang doktor. “Oo, I got your point, Dr. Medina. Dapat na huwag kontrahin ni Nurse Armida ang iyong presencia, lalu na sa operating room. Dapat siyang maniwala na tunay kang puwedeng mag-opera kahit patay ka na.â€
“Tama po. At pipilitin kong maghikayat na rin ng ibang nurses na wala pang mapasukang ospital, na dito na magtrabaho—kahit pa may mga multo,†seryosong sabi ng mabait na siruhano.
Nakyuryoso si Dr. Robles. “Dr. Medina, tell me, kapag namatay ako, makikita ko ba sa heaven si Steve McQueen—‘yung original actor ng The Great Gatsby? Fan niya ako… â€
“Dr. Robles, bawal nga po akong magdetalye ng bagay-bagay sa Langit. Kapag namatay na po kayo, saka ninyo malalaman.â€
KINAUSAP ni Dr. Robles si Nurse Armida. “Maniwala ka, nakita ko at nakausap ang multo ni Dr. Medina. Dapat ka raw magbukas ng channel.â€
“Channel ho, Doc? Kapuso o Kapamilya?†(ITUTULOY)
- Latest