Dear Vanezza,
Tawagin n’yo na lang po akong Leya. May nagkakagusto po sa akin. Hindi ko po alam kung paano ko sasabihin sa kanya na ayaw ko po sa kanya. 15 years old na po ako at siya po ay 25 years old.
Dear Leya,
Habang maaga ay tapatin mo siya na wala siyang aasahan sa’yo. Sabihin mo sa kanya na napakabata mo pa para pumasok sa isang relasyon at wala pa sa isip mo ang pakikipag-bf. Sa ngayon, ang iyong prayoridad ay ang iyong pag-aaral at ayaw mong biguin ang iyong mga magulang. Kung maririnig niya ang mga dahilan mo ay maaring magdalawang-isip na siyang ituloy pa ang kanyang panliligaw. Kung maginoo siya, igagalang niya ang nais mo.
Sumasaiyo,
Vanezza