Dear Vanezza,
I’m Jerry, 31,binata at nagtatrabaho ako sa isang techno park sa Luzon. Mayroon akong boss si Ms. Ghie, 40, dalaga siya kaya lang napag-iwanan na ng panahon. Naging magkaibigan at close kami ni Ms. Ghie. Nagsimula ito sa pagsasabay namin mag-lunch kapag break time. Hindi ko akalain na isang araw ay magpapakita siya sa akin ng motibo. Bigla na lang niya akong hinipuan sa maselang bahagi ng aking katawan. Hindi ko naman ito masyadong pinansin para hindi ako mailang sa kanya. Minsan, isang araw ay sinubukan kong haplusin ang kanyang mukha at buhok at hindi naman siya umaÂngal. Hindi ko alam kung sasamantalahin ko ang pagkakataong ‘yun, ngunit sa totoo lang ay gusto ko ng gawin ang naglalaro sa aking imahinasyon. Ngunit alam niyang may gf na ako at malapit na kaming ikasal. Gusto ko din siya ngunit napakalayo ng aming agwat at naiisip ko din na masasaktan ko ang aking gf. Anong dapat kong gawin?
Dear Jerry,
Kung talagang mahal mo ang iyong gf, mas mabuting iwasan mo na ang boss mo. Dahil hindi imposibleng ma-develop ang feelings ninyo sa isa’t isa lalo na at alam ninyo sa inyong mga sarili ang score ninyong dalawa. Masasaktan mo rin ang iyong boss kapag nalaman niyang magpapakasal ka na. Hindi rin malayong makaapekto ito sa iyong trabaho lalo na kung ang tipo ng iyong boss ay mapaghiganti. Kung sa tingin mo naman ay mahal mo na si Ghie, bakit hindi mo kausapin ang iyong gf at magkaroon ka ng clean break-up sa kanya.
Sumasaiyo,
Vanezza