Dapat gawin kung laging gutom (2)
Ipinapalagay pa nang naturang pag-aaral na ang physiological hunger at satiety o kabusugan ay masusukat sa pamamagitan ng pag-monitor sa appetite sensation at hormonal markers, kasama ang psychological reward-driven motivation para kumain, gamit ang fMRI para matukoy ang brain activation sa partikular na bahagi ng utak na may kaugnayan sa food motivation at reward.
Para mapatunayan ang pag-aaral, dalawang grupo ng mga kabataan ang inobserbahan ng mga researchers. Ang una ay nagpapalipas ng oras ng pag-aalmusal, na nagreresulta para sila ay mag-snack, kumain ng sobra (lalo na sa gabi) kaya tumataba at nagiging prone sa obesity. Ang pangalawa naman ay tinatayang nasa 60 porsiyento ng adolescents na nagpapalipas ng almusal nang regular. Sa loob ng tatlong linggo, patuloy ang mga kabataan sa pagpapalipas ng almusal o pagkonsumo ng may 500 calorie breakfast meals na may normal quantities ng protein habang ang iba ay may mataas na protein level. Sa bawat pagtatapos ng linggo, nakukumpleto na ng mga volunteer ang kanilang appetite at satiety questionnaires. Bago naman mag-lunch ay naibe-brain scan na sila, gamit ang fMRI para matukoy ang kanilang brain activation responses. Ang nasabing breakfast meal ay lumalabas na parehong nagreresulta sa pagkabusog at nagpapababa sa level ng pagkagutom sa buong umaga, kumpara sa mga nagpapalipas nang pag-aalmusal. (Itutuloy)
- Latest