Lagi ka bang rejected sa inaaplayan?

Kung kayo ay naniniwala sa power ng mga santo, subukan n’yo si San Pancrasio para makahanap ng trabaho. Dasalin mo ang Psalm 57 para laging suwertehin sa lahat ng iyong ginagawa. Pagkatapos ay magnobena ka ng 9 na sunud-sunod na araw sa nabanggit na santo. Habang nagdadasal ay magsindi ka ng kandila upang makarating sa langit ang iyong panalangin. Narito ang dasal kay San Pancrasio:

Dasal kay San  Pancrasio

Banal na San Pancrasio, patron ng mga naghahanap ng trabaho, ipagdasal mo ako na ipagkaloob nawa ng Panginoong Diyos ang aking minimithing trabaho. Kung ito’y sa ikaluluwalhati Niya at mabuting kapakanan ng aking kaluluwa. Ituro mo po San Pancrasio ang dapat kong gawin upang matupad ang hinihiling ko. Siya Nawa. (Dasalin ang Sumasampalataya, Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Glory be)

Show comments