‘Haunted hospital’ (2)
MAG-A-APPLY bilang nurse si Olga sa lumang ospital na pribado. Makintab ang sahig pero kapansin-pansin ang mga gamit na niluma na ng panahon—mga upuan at mesa, mga kurtina, timbangan at wall clock.
Walang security guard sa entrance. May isang pasyenteng paakyat sa second floor, dala ang sariÂling dextrose. Inaalalayan ito ng babaing nurse na may-edad na, siguro’y singkuwenta anyos..
Nakita siya nito. “May kailangan ka ba, iha?â€
Tumango si Olga. “Sabi po sa ad, may bakante rito. Aaplay po ako.â€
Nagningning ang mata ng old nurse. “Babalik agad ako, kakausapin ka namin ni Dokrtor Robles, iha.â€
“Okay lang po,†sabi ni Olga. Naupo siya sa antigong lobby bench na yakal. Umingit ito. Kree-eek.
Kulang sa ilaw ang pasilyo ng Hope Hospital, napansin ni Olga. Kahit araw ay madilim. May nag-iisang ceiling fan sa tapat ng reception table. Masyadong magalaw ito habang umiikot, para nang babagsak anumang oras.
Siyempre pa ay hindi airconditioned ang ospital na ito. Nagpaypay si Olga habang naghihintay.
May nabanaagan siyang pigura mula sa kaliwang pasilyo. Nakatungkod ito, matandang ale na nakaladlad ang buhaghag na puti nang buhok. Palapit ito sa kinauupuan ni Olga.
Nginitian ito ng dalaga, nakadama siya ng awa sa matandang payat at halatang mahirap.
“Hi po, nanay,†bati ni Olga habang katabi na niya ito sa upuan.
Hindi ito ngumiti, nakabalatay sa mukha ang bitterness.
Naisip ni Olga, pinahihirapan ng kung anumang sakit ang nanang kaya wala sa mood na ngumiti man lang.
Nanahimik na lang si Olga, itinutok sa iba ang tingin. Nakita niyang pati ang nag-iisang wheelchair para sa pasyente ay sira.
Nahabag siya sa estado ng pribadong ospital.
“Mura itong sumingil kaya pinupuntahan pa rin ng mga nagpapagamot, kahit pa nga kaydami daw multo dito,†naisip ni Olga.
May baon siyang biscuit, aalukin niya ang katabing matanda.
“Nanay, gusto mo?â€
Napaigtad si Olga. Unti-unting naglalaho ang old lady! (ITUTULOY)
- Latest