Zodiac Flower Sign (2)

Lavender (May 20 - June 20)
“My beautiful expanse will inspire you.”

Malikhain at hindi nauubusan ng bagong ideya. May pagkakataong nagiging “jack of all trades, master of none”. Sari-sari ang ginagawa kaya ang ending ay walang natatapos at napagtatagumpayan. Mas malapit ang tagumpay kung ibibigay lang ang konsentrasyon sa isang bagay. Ang kagandahan sa Lavender people, ibinabahagi niya ang magaganda niyang ideya sa mga tao.

Accanthus (June 21 – July 22)
“Look to my petals for your nurturing.”

Malakas ang pakiramdam ng Accanthus people dahil sila ay warm and symphatetic. Nababasa nila ang nasa isip o nararamdaman ng kanilang kausap. Kung gugustuhin, mala­ki ang tsansa na maging mahusay na doktor dahil natural silang “healer”. (Itutuloy)
 

Show comments