“May Impakta sa tiyan ko” (16)
NAGHIHINTAY muli sa impakta si Brando, hawak ang bote ng gas at posporo. Misyon ng lasenggo na alisin sa mundo ang taga-ibang planeta.
“Di ka nagutay ni Ming, pero sa apoy-- maaabo ka,†bulong nito.
Alcoholic na ang binatang guwapo, katabi na naman ang bote ng alak. Gagawin niyang excuse sa pagtungga ang umano’y dakilang misyon.
Glug-glug-glugg. Para lang tubig kung lumaklak ng hard drink si Brando. Hangga’t may nalalabi sa ipon niya, uunahin niya ang bisyo.
“Live today for tomorrow we die!†sabi nito, ibinaba ang bote.
Nakahanda pa rin sa tabi niya ang bote ng gas at ang posporo.
“Kung si Zuma ngang napakalaki, nagapi ng bida-- bakit hindi ko matatalo ang impaktang maliit pa sa tabako!â€
Naalala niya ang sikat na komiks character na may sawa sa balikat at walang kamatayan. “Nang hindi mapatay si Zuma, ikinulong na lang ng bida sa ilalim ng lupa—sa loob ng kongkretong selda!â€
Nasagap ni Brando ang flash report. “Isinusumpa ng nagtitinda ng sitsaron na ang kumain sa biktima ay isang super-liit, super-pangit na hayop. Mas pangit pa raw ang creature sa dagang bahay at unggoy na mabangis…â€
Napaunat si Brando, nahulaan kung ano ang nangyari. “Hinayupak, si Morgamang impakta ‘yon! Kumain na siya ng tao!â€
Pinawisan ang binatang lasenggo. Dapat siyang maging matatag sa pagbabalik ni Morgama. “K-kailangang maging bida rin ako.â€
Inabot ang bote, tumungga na naman. Glug-glugg.
“Puwaahh!†Ibinuga ni Brando ang nainom, maaskad ang mukha.
Nagkamali siya ng bote. Bote ng gas pala ang nalagok. “Puwaahh!â€
SI MORGAMA alias impakta ay naligaw, naapekto ng labis na init ng panahon. “Haah…kaaahh… kailangan k-ko nang makapasok s-sa bahay…â€
Tiyan ni Brando ang ‘bahay’ na binabanggit ng impakta.
Ayaw gumana ang kanyang super-powerful utak, naapekto na rin ng labis na init ng temperature.
Sa ‘Pinas ay kainitan ng summer. Walang summer sa planeta ng impakta.â€M-mamamatay ako kapag hindi nakapasok s-sa bahay…â€
Sa nagdidiliryong utak ng impakta, natanaw niya ang puwedeng gawing pansamantalang ‘bahay’. Isang kalabaw sa bukid. (ITUTULOY)
- Latest