‘Rebound relationship’?

Dear Vanezza,

I’m Chynna, 30, dalaga at kaka-break lang sa aking boyfriend for 1 year. Nag-break po kami dahil sa third party na nadiskubre ko. Noong first 3-months ng paghihiwalay namin ay sobrang paghihirap po ang naranasan ko dahil pinipilit kong kalimutan ang taong ito. Nagtangka siyang bumalik sa akin ngunit hindi ko na uli siya tinanggap kahit pa mahal ko pa rin siya. Ito ay dahil sa sobrang takot ko sa kanya na baka ulitin niya uli ang pagbibigay sa akin ng emotional stress. Ginawa ko din na hindi siya balikan dahil alam kong hindi na sila matatapos ng babaeng naging sanhi kung bakit kami nag-break. Hanggang dumating po ang isang lalaking muling naging dahilan para muli akong ngumiti at magkaroon ng inspirasyon. Maituturing ba na isa itong “rebound relationship”? Tama ba na agad akong pumasok muli sa isang relasyon?

Dear Chynna,

Kung paghihiganti sa iyong ex-bf ang iyong motibo, matatawag nga itong rebound relationship. Ngunit kung talaga naman na mahal mo na ang taong ito, bakit hindi mo pagbigyan ang iyong sarili na muling magmahal at magtiwala. At kung sa tingin mo din ay naka-get-over ka na talaga sa  iyong ex-bf, fair ka na sa bagong pag-ibig na nais mong muling papasukin sa iyong puso.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments