Alam n'yo ba?
Alam n’yo ba na ang mga Mongolians ay naniniwala na bumabalik ang kaluluwa ng isang tao sa katawan nito sa oras na siya ay mamatay? Dahil dito, nag-aalay sila ng pagkain para itaboy ang masasamang espiritu para proteksiyunan ang mga naiwang pamilya ng namatay. Nilalagyan din nila ng mga asul na bato ang katawan ng namatay para hindi pumasok dito ang masasamang espiritu. Noong unang panahon din sa Mongolia, ang patay na katawan ng tao ay pinagpipira-piraso at saka iniiwan sa labas ng bahay para kainin ng mga ibon. Naniniwala sila na wala ng halaga ang katawan ng tao sa oras na ito ay iniwan na ng espiritu. Ang creator ng Disney Land ay si Walt Disney, ipinanganak siya noong 1901. Nilikha niya si Mickey Mouse nong 1920’s hanggang 1937. Sa ganitong panahon din niya ginawa ang kuwento ng Snow White and the Seven Dwarfs. Ginawa din niya ang “The Wonderful World of Disney†na tumagal ng 30-taon sa telebisyon.
- Latest