Alam n'yo ba?

Alam n’yo ba na ang kawayan ay namumu­lak­­­lak lang kada 12-taon? Minsan, ang iba ay ina­abot pa ng 30-60-taon bago magkaroon ng bulaklak. Bago pa man sumapit ang Stone Age, ginagamit na ng mga Chinese ang bamboo sa paggawa ng flute. Ginagamit din ito no­ ong unang panahon sa paggawa ng papel. Sa katunayan ilan sa mga Chinese records ay nakasulat sa kawayan noong 8th Century B.C. Na­niniwala ang mga Ancient Greeks na ang mga bakang kumakain ng sariwang oregano ay mas malinamnam kumpara sa mga bakang or­dinaryong damo lang ang kinakain. Ayon kay ilang pagsusuri noon, ang mga pawikan na nakakain ng maliliit na ahas ay kinakailangan na pakainin agad ng oregano upang hindi ito ma­­matay. Mabisa rin ang oregano bilang pam­pa­kalma ng ugat  at pampagaling ng sakit na nakukuha sa dagat.

Show comments