ALAM N’YO BA?
Alam n’yo ba na ang pinakamalaking snowflake ay 15 pulgada o 38 centimeters ang lapad? “Champagne powderâ€, “Curdoroy†at “Mashed potatos†ang terminong ginagamt ng mga skiers sa paglalarawan ng iba’t ibang uri ng snow. Nadiskubre na sa Mars ay umuulan din ng snow, ngunit ito ay napakakaunti lamang. Hindi totoo na mayroong napakaraming termino ang mga “Inuit†o “Eskimos†sa salitang “snowâ€. 12% naman ng mundo ay permanenteng nababalot ng yelo o snow. Ang Japanesde physicist na si Ukichiro Nakaya ang unang nakagawa ng artificial snow. Ang mga plaka ng sasakyan sa Utah ay nagpoproklama na sila ang may pinakamadaming snow sa buong mundo. Ang pinakamatinding snowfall sa United Kingdom ay naganap noong 1695 kung saan limang linggong umuulan ng yelo sa London kaya’t pati ang mga ilog ay naging yelo na din. Ang karaniwang snowflake ay binubuo ng 180 bilyong molecules ng tubig. Kung ikaw ay takot sa snow, ikaw ay dumaranas ng “Chionophobiaâ€.
- Latest