Panaginip: Madulas at maputik ang kalyeng nilalakaran ko. Bago ako nakarating sa aming bahay ay nadulas ako nang maraming beses.---July
Interpretation: May pakiramdam ka na hindi sapat ang freedom na nararanasan mo ngayon. May mga taong nakikialam pa rin sa iyong buhay. Gusto mong magkaroon ng sariling diskarte sa buhay.