Nagseselos sa ex ng gf

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Joemar. Thirty years old na ako sa April at single pa rin. Mayroon akong girlfriend. Isa siyang accountant. Ang problema, isa siyang single parent. Nagkaroon na siya ng ka-live-in at may isang anak. May asawa ang ama ng kanyang anak at may visitation rights ito kaya paminsan-minsan ay nagkikita pa sila. Kinausap ko na ang gf ko na kung maaari ay iwasan na niya ang pakikipagtagpo sa ex niya. Sabi niya, wala na raw sa kanya iyon pero may karapatan ang lalaki na dalawin ang kanyang anak dahil siya pa rin ang sumusustento sa bata. Pero parang dinudurog ang puso ko kapag nagtatagpo sila. Ayaw naman niyang ibigay nang lubusan ang kanyang anak sa lalaki. Ano ang gagawin ko?

Dear Joemar,

Nang ligawan mo siya, alam mo na siguro ang sitwasyon. Tinanggap mo siya sa kabila ng lahat kaya wala kang karapatang bawalan siyang makipagtagpo sa ama ng kanyang anak. Malaking problema talaga iyan sa inyong relasyon. If you can’t live with it, mas makabubuting makipag-break ka na lang sa kanya sa halip na maging habambuhay na selosan ang mangyayari sa inyong pagsasama.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

Show comments