Alam n'yo ba?
Alam n’yo ba na ang “Taj Mahal sa India ay kinokonsiderang pinakapantastikong regalo ng pagmamahal? Ipinagawa ni Mughal Emperor Shahjahan ang nasabing templo bilang alaala sa kanyang misis na namatay matapos na manganak. Binuo ng 20,000 manggagawa ang nasabing templo sa loob ng 22-taon. Karamihan sa mga may alagang hayop ay nagbibigay din ng regalo sa kanilang pet. Idineklarang holiday ng hari ng England na si King Henry VIII ang Valentine noong 1537. Noong 17th Century, naniniwala ang mga kababaihan na mapapanaginipan nila ang kanilang pinapangarap na mister sa oras na sila ay maglagay ng nilagang itlog na tinusukan ng limang bay leaves. Ang mga hormones sa katawan ng babae ang sanhi kung bakit kakaunti o halos walang tumutubong mga “unwanted hair†sa katawan nito gaya ng balbas o bigote? Tanging ang buhok sa ulo lang ng babae ang pinapayagan ng hormones at glands nito na tumubo at kumapal. Lahat ng tao ay nababalutan ng mga pinong buhok nang siya ay ipinanganak. Pero, ang mga buhok na ito ay naaalis sa oras na maging aktibo na ang sex hormones. Kung ikaw ay lalaki, magiging aktibo na ang iyong male hormones at tutubo na ang bigote sa iyong mukha, pero, kung ikaw ay babae, female hormones naman ang mananalo at mananatili sa iyong katawan.
- Latest