MANILA, Philippines - Sinorpresa ng Be Humble ang paboÂritong El Libertador para kunin ang 2013 Philracom Chairman’s Cup na piÂnaglabanan kahapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Maganda ang kondisyon ng kabayo at mahusay din ang diskarteng ginawa ni Jeff Zarate para manalo ang tambalan kaÂhit nalagay sa ikasiyam na puwesto sa kaagahan ng 1,600-metrong karera.
Ito ang unang panalo sa dalawang takÂbo ng tatlong taong colt na anak ng QuaÂker Ridge sa She’s No Princess at naiÂpagkaloob ng tambalan sa kanyang conÂnections ang P1.2 milyong unang ganÂtimapala.
Ang El Libertador na tumakbo kaÂsama ang coupled entry Cat’s Silver at dating hawak ni Jonathan Hernandez ay naglakad papasok sa huling 50 metro sa 1,600m distansyang karera para makontento lamang sa ikalawang puwesto.
Naorasan ang winning horse ng 1:42.8 sa pinaglabanang distansya at ang panalo ang maglalagay sa kabayo bilang isa sa paborito sa paglarga ng first leg ng Philracom Triple Crown StaÂkes race sa Mayo sa bagong karerahan na Metro Turf Club Inc. sa Malvar, Batangas.
Unang nagpasikat ang Cat’s Silver na ginabayan ni AR Villegas at nakasunod ang Spinning Ridge bago tumutok ang El Libertador na hawak ni Kevin Abobo.
Habang nakikipaglaban ang coupled entries na lahok ni MandaluÂyong City Mayor Benhur Abalos, ay nagpaÂinit naman sa likod ang Be Humble.
Pagpasok sa kalagitnaan ng karera ay nagsimulang umarangkada ang naÂsaÂbing kabayo at pagpasok sa huling liÂko ay nasa ikalawang puwesto na.
Nasa labas ang Be Humble nang huÂmarurot pa ito para manalo ng kalahating dipang agwat sa meta sa El LiÂbertador.
Full gate ang naglaban sa tampok na karerang ito na bukas para sa mga tatlong taong kabayo at ang win ng Be HumÂble ay nagpasok ng P27.00 dibidendo, habang ang 11-1 forecast ay nagÂpamahagi ng halagang P69.00.
Bigo man ay pakonsuwelong P450,000.00 ang napasakamay ng El LiÂbertador, habang ang pumangatlo at puÂmang-apat ay ang mga kabayong Five Star at Appointment na nagbitbit ng P250,000.00 at P100,000.00 ayon sa pagkakasunod.