Heat dumiretso sa 21 sunod na panalo Lakers nakalusot naman sa Pacers
MILWAUKEE -- Tumipa sina LeBron James at Chris Bosh ng tig-28 points para tulungan ang Miami Heat na makamit ang ika-21 sunod na paÂnalo mula sa 107-94 pagÂgupo sa Milwaukee Bucks noong Biyernes ng gaÂbi.
Tatlong koponan lamang ang nagtala ng higit sa 20 sunod na panalo sa isang season.
Ang mga ito ay ang 1971-72 Los Angeles LaÂkers (33) at ang 2007-08 HousÂton Rockets (22) maÂtapos lampasan ng Heat ang 1970-71 Bucks (20).
Napawi ang kanilang kaÂba nang dumiretso sa locÂker room si Dwyane Wade suot ang isang neck strain matapos tumumba.
Kinuha ng Miami ang isang 17-point lead sa third quarter at hindi pinabayaang makadikit ang Milwaukee.
Hindi pa natatalo ang Heat sapul nang mabigo sa Indiana Pacers noong Pebrero 1.
Nagposte si Bosh ng 12-of-16 fieldgoal shooÂting kasama ang dalawang 3-pointers.
Isinalpak ni Bosh ang isang four-point play na nagbigay sa Heat ng 67-53 abante laban sa Bucks sa huling limang minuto ng third quarter.
Tumapos naman si Wade na may 20 points para sa pagbawi ng MiaÂmi sa pagkatalo sa Milwaukee noong Disyembre.
Kumolekta si Ersan IlÂyasova ng 26 points at season-high 17 rebounds para sa Bucks.
Sa Indianapolis, hindi nakaiskor si Kobe Bryant sa ika-15 pagkakataon sa kanyang 17-year NBA caÂreer, ngunit tumapos naman si Dwight Howard na may 20 points, kasama rito ang panablang three-point play sa huling 90 segundo, para igiya ang Los Angeles LaÂkers sa 99-93 panalo laban sa Indiana PaÂcers.
Nagkaroon ng injury si Bryant nang matapakan ang paa ni Dahntay Jones ng Atlanta Hawks.
- Latest