Pagkain vs. Trangkaso
Dahil sa paiba-iba na ang panahon na nararanasan natin, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng trangkaso, sipon o anumang virus. Kaya naman dapat na mapanatili mong malakas ang immune system ng iyong katawan sa pamamagitan ng tamang pagkain. Narito ang ilang uri ng pagkain para hindi ka agad kapitan ng trangkaso:
Paminta – Bagama’t ito ay maituturing na sangkap lamang sa pagkain. Mahalaga pa rin na mayroon ka nito sa katawan. Nagtataglay ang paminta ng “piperine†kaya ito nagiging maanghang. Bukod dito, itinuturing din itong anti-inflammatory at anti-fever properties.
Cinnamon – Lagyan ng cinnamon ang iyong oatmeal at hiniwang mansanas para sa iyong meryenda. Tumutulong ang pagkaing ito para maalis ang anumang virus. Ang cinnamon ay may taglay na “terpenoids†na may malakas na antiviral properties.
Citrus Fruits – Magpatak ng lemon juice sa iyong tea o orange sa oras na ikaw ay nakakaramdam na kakapitan ng trangkaso. Malaki ang maitutulong nito para palakasin ang iyong katawan. Sa pag-inom nito ay gaganda ang iyong pakiramdam.
Low-fat-Yogurt – Ayon sa pag-aaral, ang yogurt ay may mataas na vitamin D kaya dapat lang na kumain nito lalo na kung mababa ang bitaminang ito sa iyong katawan. Ang mga taong mababa ang vitamin D ay madaling kapitan ng trangkaso.
Avocado – Maraming taglay na bitamina ang prutas na ito gaya ng A,D,E at K. Ang mga bitaminang ito ay importante sa pagpapalakas ng immune system.
- Latest