Dear Vanezza,
Tawagin mo na lang akong Romney, 24 anyos at isang trike driver. May nililigawan ako. Isa siyang tindera. Anak siya ng may-ari ng tindahan na ayaw sa akin. Sinagot na ako ng nililigawan ko pero nagbago siya bigla ng pagbawalan siya ng mga magulang niya. Seryoso naman ako sa kanya pero bakit ayaw akong bigyan ng pagkakataon ng kanyang mga magulang. Gabi-gabi ay nilulunod ko sa alak ang aking sarili para makalimutan siya. Ano ang dapat kong gawin para maging good ako sa kanyang mga magulang?
Dear Romney,
Sa ginagawa mong pag-inom, lalong papaÂngit ang tingin sa iyo ng mga magulang niya. Marahil concerned lang ang mga magulang ng naging gf mo sa kinabukasan ng kanilang anak. Sa hirap nga naman ng buhay ngayon, paano ka bubuhay ng pamilya kung pagta-trike lang ang iyong magiging hanapbuhay? Sa kabila ng pagtutol nila sa inyong relasyon, ipagpatuloy mo ang iyong pagsisikap na umunlad ang kabuhaÂyan. Bata ka pa at puwede mo pang planuhin ang pagpapaunlad ng iyong buhay. Marami riyan na walang natapos na kurso o hindi nakapag-aral pero naÂging matagumpay na negosyante. Sa halip na magpakalango sa alak, umisip ka ng iba pang pagkakakitaan na alam mong tutugma sa iyong kakayahan.
Sumasaiyo,
Vanezza