Para Magkapera
Kailangan: Berdeng papel na korteng square; 9 pieces ng 1-peso coin; envelop.
Paraan: Isulat sa berdeng papel ang perang kailangan mo. Sa pagkakataong ito, amount lang na kailangan mo. Huwag maging ganid. Ilagay ang 9 na pirasong coins sa envelop at isara ito. Maghukay sa tabi ng puno. Ingatang masugatan ang ugat. Dapat ay malalim ang hukay upang hindi matuklasan ng ibang tao. Tatlong beses tiklupin ang berdeng papel. Ilagay ito sa envelop kasama ang coins. Sulatan ng peso sign ang envelop. Tapos usalin ang mga sumusunod: Ang siyam na piso ay dadami, lalago upang magamit ko sa aking pangangailangan. Siya nawa. Ibaon ang enveÂlop sa hukay at takpan ng lupa. Kausapin mo ang puno na bantayan ang iyong pera at palaguin ito kagaya ng kanyang pagbunga. Kaya importanteng malusog ang punong pagbabaunan ng iyong barya.
- Latest