Kapalaran sa Oras ng Kapanganakan (13)

Birth Month: DECEMBER, JANUARY, FEBRUARY

Oras ng kapanganakan:

5 AM to 7 AM—Magkakaroon ka ng maraming anak at apong lalaki. Sa early part ng iyong career, hindi mararanasan ang tagumpay na hinahangad. Magiging masuwerte lang pagsapit ng katandaan. Ang magdadala ng suwerte ay iyong asawa at mga anak at apong lalaki.

7 AM to 9 AM—Mas susuwertehin ang buhay kung pagsapit sa tamang edad ay humiwalay ng tirahan sa mga magulang at kapamilya. Basta’t makakamtan ang suwerte kung may sarili kang tirahan. Mas malayo sa magulang, mas masuwerte.

9 AM to 11AM—Susuwertehin sa pag-aasawa. Ang magiging asawa ay magiging sikat at irerespeto ng komunidad. Manggagaling siya sa mabuting pamilya.

11 AM to 1 PM—Makakamtan ang magandang kapalaran sae dad 61 pataas.

 

Show comments