Natalakay na natin ang iba’t ibang problema sa testicles tulad ng bukol o umbok, pamamaga at paÂnanakit at ang varicocele.
Tinalakay sa embarrassingproblems.com ang problema sa nawawalang testicle.
May mga lalaking sa isang side lang may testicle at ang kabilang side ay wala. Ang tawag dito ay ‘undescended testicle’.
Paano nagkakaroon ng undescended testicle? Ang testicle ay nagsisimulang ma-develop nang maliit na fetus pa lamang ang lalaki o ilang linggo lamang na ipinagbubuntis.
Nagsimula ito sa tiyan malapit sa atay papunta sa singit.
Habang nangyayari ito ay naghahanda naman ang scrotum na kalalagyan nito. Isa
o dalawang buwan bago ipanganak, normal na kumpleto na ang testicle
pagdating sa scrotum.
May 5% sa mga lalaki na hindi nakakarating ang testicle sa scrotum
bago ipanganak kaya naiiwan ito sa loob ng tiyan o sa singit. Kaya ang
tawag dito ‘undescended testicle’. Walang may alam kung paano nangyayari ito.
Karaniwan ito sa mga ipinapanganak ng March/April. KaraÂniwan din ito sa mga premature babies.
Karamihan sa mga baby na ipinanganak na may undescended testicle ay
hindi kailangan ng treatment – dalawa sa tatlong baby na may ganito,
ang testicle ay kusang bumababa sa scrotum bago mag- 3 months old ang
baby.
Kung hindi, kadalasang mangangailangan ng operasyon ang baby para
ibaba ang testicle. Kung kailangan ng operasyon sa testicle, importanteng maoÂperahan ito bago magsimula ang puberty.
Bakit isa lang ang testicle? Kung teenager ka na na may undescended
testicle, kailangang magpatingin sa doktor. Para mai-refer ka sa uroÂlogist. Hindi dapat mahiyang magpatingin dahil para sa mga doctor,
isa itong problema na dapat ayusin. (Itutuloy)