Mensahe ng Compound Numbers (3)

Meaning ng 444

Narinig ng guardian angel ang iyong dinadasal at tinatrabaho na niya ito upang magkaroon ng katuparan. Nais nilang ipaalala na tutulong lang sila kapag tinawag mo sila. Iwasang magmakaawa kapag dumadalangin dahil nahahaluan ang iyong panalangin ng negatibong emosyon (angst, fear). Manalangin nang may saya sa iyong puso. Mas tumatalab ang panalanging nagmula sa magaang damdamin.

Meaning ng 555

May pagbabagong mangyayari sa iyong buhay. Malaki ang tsansang ito ay magandang pagbabago. Ang pagbabagong mangyayari ay resulta ng pagbabago sa iyong attitude at pilosopiya sa buhay. Maaaring may kinalaman sa relationship, home life at career ang pagbabagong magaganap. Maghintay. Umasa. It’s coming very soon!

Show comments